Ano ba ‘to?

Sa taon ng ika-150 na kaarawan ni Jose Rizal, nais naming bigyang-pugay ang ating mga nunong sukdulan ang paka-gwapo.   At dahil mahilig tayo sa beauty contest, bibigyan natin ng pagkakataon na ang mga mambabasa ang humusga.

Sino ang pwedeng mailagay dito?  Kahit na sinong lolo, pwedeng mailagay sa website na ‘to.  May mga patnubay lang nga …

1.  Dapat patay na si Lolo at isinilang bago 1951.  (Hindi po kayo makakahanap ng mga batang “Kapamilya” at “Kapuso” dito.)
2.  Dapat tunay na magandang lalaki.  (Hindi basta kamag-anak, pwede na.)
3.  Dapat may ebidensiya. Kailangan may lumang litratong nagpapatunay ng ka-pogian ni Lolo.  (Mas maganda kung medyo bata-bata pa si Lolo.)
4.  Dapat may konting write-up kung bakit makahulog-puso ng kanyang kakisigan.

Pwede ko bang isali ang lolo ko?  Aba siyempre! Email mo sa angkangpilipino@gmail.com yung litrato ng lolo mo at mga dahilan kung bakit siya dapat isali sa listahan.

Sino ang may kagagawan nito?

Si Mona, ang promotor.  Maliban dito, marami siyang kalokohang pinagkaka-abalahan sa Internet na tungkol sa kasaysayan at sa paghahanap ng mga ninuno:  Aming Angkan, Angkang Pilipino,  Pamilyang Pilipino sa Geni.com.  Representing Metro Manila, Philippines!

Si Batjay, ang tambay. Siya ang manunulat ng “Kuwentong Tambay” — the blog and the book (susunod, the musical?).  Sinasaniban siya ng espiritu ni Rizal sa tuwing nagtu-tweet siya bilang si “Ka Pepe Rizal“.  Maginoo pero medyo bastos.  Representing California, USA!

Si Alex, ang kolektor. Kapag hindi siya nag-iipon ng abubut, nangongolekta si Alex ng papuri para sa kanyang libro at mga blog.  Paborito namin ang mga kwento ng gorgeous lola’s sa kanyang Manila Carnivals!  Bosing din si Alex sa isang malaking ad agency sa Makati.  Representing Pampanga, Philippines!


Mga Puna on “Ano ba ‘to?”

  1. gailT ay nagsabing:

    Ang galing!!! I like. I-sa-sabmit ko sana ang aking Lolo, kaso wala akong litrato nung bata-bata pa siya.

  2. Mona ay nagsabing:

    Kailangan mag-ungkat sa baul!


Magparamdam

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s