Mister-Yoso #2 aka “Boy Bangungot”

Ang cute niya! Para siyang sanggol.

Ito ang alam natin:  Ang kumuha nito retratong ito ay si Liberato Picar na isa sa mga nag-graduate sa PMA nuong 1940. Ito yung unang-unang batch na nagtapos ng apat na taong kurso.  Dati, anim na buwan lang, PMAer  ka na.  Kung sino man itong sleeping pogi na ito, malamang pumasok siya sa PMA mula 1936 hanggang 1940, kung kailang nanduon din si Liberato.  Maaring hindi siya Batch 1940.  Kung pumasok siya pagkatapos ng 1937, baka hindi siya naka-graduate agad dahil nahinto ang operasyon ng  PMA noong 1942 at 1943 (hello, mga Hapon kaya).  Lumaban kung saan-saan ang mga kadete ng PMA.  Mga 1947 pa ulit nagbukas ang eskuwela.

Mga detalyeng napansin:  May inuupuan siyang bag, at may suot na cap — parang may maagang pupuntahan pero hindi pa gising (para siyang si Harry Potter na uuwi galing Hogwarts).  May itim na mantsa sa mukha.  Maaring may dumi ng retrato.  O maaring nagsugatan siya sa may kanang mata habang nagte-training.  O baka may balat-slash-nunal siya (minus pogi points).

Sino itong binatang nahihimbing kahit naka-upo?  Siya kaya ay isa sa mga batang-batang sundalo na lumaban at namatay noong WWII? O siya ba ay nakabalik sa PMA at naging isang mataas na opisyal ng Hukbong Sandatahan?  Sayang, kung may Facebook na sana nuon, hindi tayo mahihirapan.  Imbestigahan at magkamit ng maraming … “thank you”.

[+]  Baka hindi nakatapos dahil matapang na nakipag-laban noong WWII.
[-]   Baka hindi nakatapos dahil nakatulog sa klase at na-kick-out.



Magparamdam

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s