Uncle Nick

Si Uncle Nick at si Angela

Si Nicanor David, Sr. ang isa sa mga nagpasimuno ng radyo sa Pilipinas. Sumikat siya nung panahong wala pang cable o internet at ang pinaka libangan ng mga Pinoy ay gumawa ng bata at makinig sa radyo. Si Nicanor David ay si Uncle Nick. Sa late night ang programa niya, yung oras na nag-aagawan ang diwa ng mga tao dahil hindi nila alam kung tulog na sila o gising. Binabasa ni Uncle Nick ang mga liham ng mga tagapakinig niyang may problema tungkol sa pag-ibig. Magpapatugtog siya ng sentimental na kanta at pagkatapos ay binibigyan niya ng payo o lunas ang mga problemang ito. Ang pangalan ng programa niya ay “Maalala Mo Kaya”. Pogi si Uncle Nick – medyo singkit, medyo matangkad, medyo tisoy, medyo bastos in a flirty kind of way. Pag nagsalita siya, gamit ang boses niyang sa sobrang lalim ay akala mo nanggagaling ito sa loob ng balon (oo, minsan may echo pa) eh hindi mapigilan ng mga kababaihan na maihi sa tuwa.

[+]   Ginintuang boses, Walang buhok sa kili-kili
[-]   Kahit sinong babae pinapatulan, lagyan mo ng palda ang poste baka ligawan.



Magparamdam

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s