Gen. Fidel V. Segundo

Si Fidel noong 1941.

Si Fidel V. Segundo ay pinanganak sa Laoag, Ilocos Norte noong 24 April 1894.  Iniwan ni Fidel ang kanyang pag-aaral na maging doktor sa UP, upang mag-aral sa West Point at nakatapos noong 1917.  Pagkabalik niya sa Pilipinas, siya ay naging second lieutenant sa Philippines Scouts.  Noong 1929, nagturo siya ng military science sa UP at sa kinalaunan ay naging hepe ng military intelligence ng Philippine Army.  Pinakasalan niya si Angela Guerrero Agcaoili ng Ilocos Norte.  Noong pumutok ang WWII, ang mga opisyal at mga kadete ng Philippine Military Academy ay dinala sa UST Manila, kung kailan binuo ang 1st Regular Division — si Fidel ang inatasang commandante.  Pinamunuan ni Fidel ang Morong Sector, nuong Battle of Bataan.  Noong 09 Abril 1942, nakakuha siya ng utos na isuko ang kanyang depensa.  Matapos mapiit sa Capas concentration camp sa Tarlac, nakulong siya sa Santa Ana, Manila. Noong 19 Disyembre 1944, inutos ni Kosahi Kobayashi na i-torture si Fidel at ang kanyang anak na si Fidel Jr.  Pinatay ang mag-ama nang nakataling magkasama.  Binigyan siya ng US Purple Heart.  Sanggunian [1][2][3][4]

[+]  Guapo, makisig, malapad ang balikat, matapang, makabayan, matalino, etcetera, etcetera.

[-]  Wala!  Nuknukan ang paghanga namin!


Paulino Riestra Alcantara

Si Paulino noong 1916.

Si Paulino Alcantara ay pinanganak sa Iloilo noong 07 October 1897 sa mag-asawang Eduardo Alcantara, isang sundalong Espanyol at kay Victoriana Riestra, isang Spanish-Ilonggang mestiza. Bumalik ang mag-anak sa Espanya noong 1905. Noong 1912, sa edad 15 anyos, si Paulino ay naging pinakabatang manlalaro ng FC Barcelona. Dahil sa lakas ng sipa niya, nakasira siya ng goal net sa isang laro laban sa France. Mula nuon, tinawag siyang “El Rompe Redes”, “Trencaxarxes” na ang ibig sabihinay “net breaker”.

Pinauwi si Alcantara sa Pilipinas noon 1916 para mag-aral ng medisina; pero tuloy ang laro ni Alcantara para sa Bohemian Sporting Club. Noong 1917, nagka-malarya siya; at tumangging uminom ng gamot hanggang hindi siya pabalikin sa Espanya ng kanyang mga magulang. Sa kanyang pagbalik sa Espanya, siya ang nagtala ng career scoring record na 357 goals sa 357 games. Hindi siya sumali sa 1920 Olympics dahil kasabay ito ng finals niya sa med school. Nagretiro si Alcantara noong 1927 para maging doktor. Namatay siya noong 1964 sa Barcelona.

Sanggunian [1][2][3][4][5][6][7]

[-] Hindi palangiti, mahaba ang mukha, payat

[+] Ang kauna-unahang Azkal! Pinakamagaling na Asyanong naglaro ng football, sabi ng FIFA.


Ramon Magsaysay

Si Monching noong 1920s.

Isa sa mga pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas si Ramon Magsaysay. Pinanganak siya sa Iba, Zambales noong 1907 sa isang panday (Anak ng Panday!) at isang guro. Nagtapos siya ng high school noong 17 taong gulang siya at nagtrabahong mekaniko at tsuper, habang nag-aaral ng Engineering. Nag-shift siya at nakatapos ng Commerce sa Jose Rizal College (ngayon Jose Rizal University) sa Mandaluyong.

Pag-kalikot ng kotse talaga ang hilig ni Ramon kaya ito ang naging unang trabaho niya nang sumali siya sa Army. Naging guerilla siya nang sumabog ang World War II at dito lumabas ang kakayahan maging lider. Dahil sa malinis na pangalan at mahusay na track record, madali si Magsaysay nanalong Congressman ng Zambales, napiling Secretary of National Defense ni President Quirino at nanalong Presidente ng Pilipinas noong 1953. Si Magsaysay ang nag-umpisa ng paggamit ng mga “jingles” sa kampanya dahil mahilig sumayaw si Lolo Monching. Isa sa pinaka-memorable na campaign jingle ang “Mambo Magsaysay“.

Namatay si Magsaysay sa isang plane crash sa Mt. Manunggal sa Cebu, walong buwan bago matapos ang term niya bilang Presidente. Limang milyong nag-hahagulgulang Pilipino ang sumabay sa pagdala sa kanyang bangkay sa Cementerio del Norte. Sanggunian [1][2]

[+] Makisig — hanep sa balikat, kahit walang shoulder pads! Simpatiko — napasuko niya yung Huk na inutisang i-assassinate siya. Down-to-earth — pinabukas niya ang Malacanang Palace para sa mga taong-bayan.

[-] Sana lang, nag-iwan siya ng clone; para siya yung Presidente natin ngayon.


Marcial Ama

Si Baby Ama ay na-silya-electrika.

Si Marcial Ama ay kilala rin sa pangalang “Baby Ama”. Tinawag siyang “Baby” dahil artistahin ang mukha at naging pinaka-batang lider ng Sige-Sige Gang. Nabilanggo siya dahil sa pagnanakaw pero sa lumaki ang kaso niya habang nakalagak sa kalaboso. Dahil sa away laban sa Oxo Gang, siya ay nasangkot sa pinaka-malaking rayot sa kasaysayan ng New Bilibid Prison sa Muntinglupa. Nahatulan siya at ang kanyang mga kasama dahil sa pagkamatay ng 9 bilanggo — yung isa, napugutan ng ulo! Batang-bata siya nang nasilya-elektrika nuong 1961.  Kung nabuhay siya, malamang ay lolo na siya ngayon.

Naging popular ang kanyang pangalan nang isa-pelikula ang kanyang buhay noong 1976.  Si Rudy Fernandez (ang apo ng isang Lolong Guapo na si Gregorio Fernandez) ang gumanap bilang Baby Ama sa “Bitayin si Baby Ama”.  Sanggunian [1][2][3]

[+] Maamo ang mukha!
[-]  Um … mamamatay-tao po si Lolo.


Ramon V. Albano

Chito Albano, ang Cub Scout King ng Letran.

Si Chito Valdes Albano ay pinanganak noong 3 September 1947. Siya ay ika-lima sa mga anak nina Dr. Paulino E. Albano and Dr. Pilar Valdes-Albano. Kilala ang mga magulang niya sa Gagalangin, Tondo dahil sila ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng St. Rita Maternity Hospital. Pumasok siya sa Immaculate Concepcion Academy at sa Colegio de San Juan de Letran, kung saan umigting ang hilig niya sa pagbo-Boy Scout. Noong 1955, pinangalanan siyang “Cub Scout King” ng Letran ni Yvonne de los Reyes, ang B. Pilipinas noong taong iyon. Mahilig siya sa “outdoors” — paglangoy, pag-camping at iba pa.

Noon 1963, itinanghal ang ika-11 World Scouts Jamboree sa Marathon, Greece; at isa si Chito sa mga matatalinong kabataan na kumatawan sa Pilipinas. Pero noong ika-28 ng Hulyo 1963, nahulog ang eroplanong sinasakyan ng mga “scout” na Pilipino na ikinasawi nilang lahat. Nagluksa ang buong bansa. Kinse pa lang si Chito noon. Ngayon may paaralan sa Maynila at daan sa Quezon City na itinawag sa kanya. Sangunian [1][2]

[+] Laging handa!
[-] Maaga kinuha ni Lord. :(


Benigno Aquino Jr.

Si Ninoy at ang kanyang signature glasses.

Bago pa man siya naging model sa P500, at bago pinangalan sa kanya ang paliparan sa Pasay, si Benigno Aquino Jr. ay isang ulirang anak galing sa prominenteng pamilya sa Tarlac.  Naging pinaka-batang manunulat siya noong Digmaaan sa Korea; kung saan siya nagkamit ng mga parangal.  May mga pagkakataon na toka siya sa pagiging escort — halimbawa, kay Miss Tarlac na si Cristina Galang noong 1953.  Sumunod ang maraming mga natupad sa batang-batang edad sa larangan ng politika at pagsulat.  Pero naging kilala si Ninoy sa maingay na pagpintas kay dating Pangulong Marcos noong panahon ng martial law, na dahilan kung bakit siya pinapatay sa tarmac noong 21 August 1983. Sanggunian [1][2][3]

[+] Kahit malabo ang mata, ma-porma pa rin. Pinauso niya ang salaming kuwadrado.
[-] Sukdulan ang kulit. Hindi magpapatalo.


Alejandro Cabaltera

Alejandro with his sexy muscles, ca. 1929.

Hunk na hunk ang dating ni Alejandro Cabaltera, isang Philippine Scout, member ng Battery F, 24th Field Artillery. Tawag sa mga bodybuilders noon, “physical culturist”, at si Alejandro ay isang masigasig na disipulo ng physical culture. Napaka-developed ng abs niya–minsan, minartilyo ang isang 300 pound na bato sa kanyang tiyan, hanggang ito’y malasog!  Pang ‘Pilipinas Got Talent’ ang lakas niya! Ang kanyang vital statistics–16 inches ang leeg, at 39.5 inches ang dibdib! Hanep, daig pa si Machete! Go, go, go Alejandro!!

[+]  Body beautiful, no?

[-]   Me brains kaya?